A late “Goodbye 2011” post. :)

Nung 2011, marami akong naranasan. Masaya, malungkot, nakakatawa, at nakakaasar. Masasabi kong ang 2011 ang pinaka-nakaka-putanginang taon ko. (Sorry, napamura talaga ko. XD)

Unahin natin sa January. Nung january ako nag-drama dito sa Tumblr dahil sa malaking depression ko sa paglipat ng school. From Mapua to pinag-iisipan pa. Nakita ang APC, pinuntahan at nag-inquire. Sinuggest din ang FEU, at AMA, pero hindi na tinuloy. APC na yung pinili.

Noong nakalipat na ko, sakto lang. First time maging new student, nahirapan maki-fit in. Buti nalang, anjan si Belle (kaibigan ko since high school na taga-APC) para samahan ako sa first few weeks ko. Pinakilala niya ko sa mga tao at dirediretso na ang pagpasok ng mga bagong tao sa buhay ko.

Nung February ko naman nakilala ang isang naging espesyal na tao sa buhay ko. Naging kami, pero hindi nag-work out. Kasabay ng break-up namin ang performance ko para sa APC Idol. Finocus ko na lang ang sarili ko sa performance at sa magulang ko na nanuod sakin nun. Isa pang nakatulong na ma-divert yung iniisip ko eh dahil nakuha ko ang atensyon ng madlang people na sobra akong chineer. Nakakatuwa lang. After nun, eh dirediretso na yung journey ko sa APC. :D

Susunod nun eh biglang minalas ako dahil nagkaron ng impaction yung wisdom tooth ko. Nahirapan akong kumain kasi inoperan yung gums ko. Hahahah! Kadiri! Kaya lalo akong pumayat. Tapos may pinuntahan pa kong birthday party na biglang pinakanta ako. Hiraaaaap. Ayokong sabihing may opera, kaya madaling kanta nalang yung kinanta ko.

Anyway, after nun, dun ko rin tinry mag-VTR at mag-apply ng summer job, pero wala rin naman akong tinuloy. Hahaha!

Nag-birthday ako nung May at tinawag ko itong birthweek. Nakasama ko si Porshe at Belle nung saktong birthday ko. Kinabukasan naman, mga kaklase ko noon sa Mapua. Tapos mga kapamilya. at maraaaami pang iba.

Nagstart na ulit yung klase at dun ko nakilala ang 2 pinakamatalik ko ngayong kaibigan. Madami kaming spontaneous things na ginawa na kahit kailan eh di ko makakalimutang ginawa nung 2011. Walang malisya. Hahaha!

Susunod ay naging ambassador din ako ng school namin kaya napadpad ako sa maraming lugar habang nirerepresent ang APC. Madami rin akong nakilala dahil kapwa ko sila ambassador.

Dito rin nangyari ang pinakahuling relasyon ko by far. Sobrang nag-seryoso ako, pero wala. Nagago pa rin. Di pa daw ready magcommit, pero nakipagrelasyon. Tanga. (Hindi naman halatang bitter. Hehehe. Joke. Naka-move on na po. :P)

At dahil wala pa kong experience manakawan, masnatchan, o maholdap, nung 2011 ko unang naranasan makakita ng muntik ng masnatchan. Katabi ko pa. Kaibigan ko pa! Pero dahil walang patalim o armas, pinagsisipa naming mga pasahero palabas ng jeep yung snatcher. Naiwan pa ni gago yung sumbrero at yung isang tsinelas niya. Hahaha. Luckily, wala namang nasaktan. :)

Marami rin akong naging kaibigan sa freshmen. Nakakatuwa lang na nararamdaman kong nagiging kuya ako sa kanila.

ANYWAY!

All in all, nung 2011 ko nakilala ang mga taong sa tingin kong kaibigan na pang-matagalan, nakasama ang mga dating kaibigan na alam kong pang-matagalan, at nakilala ang mga taong alam kong paplastikin lang ako.

Dito ko naranasan masaktan, umiyak, madapa. Pero dito ko rin naranasan makakapit sa kamay na tutulungan ako para bumangon ulit. Sobrang memorable ang year na yun. Kahit minsan ayoko ng maalala, hindi pwede. Kasi kung kakalimutan ko lang lahat, hindi ako magiging katulad ko ngayon. Isang taong kaya ng lumaban. Alam na kung ano ang mali at tama. At isang taong marunong kumilatis kung sino ang mapagkakatiwalaan o hindi.

Pero isang bagay talaga ang pinaka-pinapasalamat ko sa 2011. At yun ay matutong magpakatotoo. :)


4 months ago * http://tmblr.co/Zs0CUyECXRtt * 16

  1. popopoli said: nakalimutan mo isulat yung blackberry!!!! special mention sana ako!!!
  2. aldenkevinkicks posted this

*